Isa sa mga nakatanggap ng loyalty award sa pagiging Star Magic artist ang Kapamilya actor na si Dominic Ochoa, sa ginanap na "Star Magical Christmas", handog ng talent-arm management ng ABS-CBN, para sa kanilang mga datihan at baguhang stars, noong Nobyembre 27.

Si Dominic ay 25 taon nang isang Kapamilya at artist ng Star Magic.

Aniya sa kaniyang acceptance speech, malaki ang pasasalamat ni Dominic sa ABS-CBN dahil hindi siya pinabayaan mula noon hanggang ngayon dahil sa iba't ibang proyektong ipinagkaloob sa kaniya.

Gayundin, malaki rin ang pasasalamat niya sa home network dahil pinayagan umano siyang "mapahiram" sa GMA Network, para sa afternoon series na "Abot Kamay ang Pangarap" na pinagbibidahan ni Jillian Ward.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bagama't may proyekto sa Kapuso Network, napapanood pa rin naman si Dominic sa "Hoy, Love You!" season 3 na pinagbibidahan nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, sa iWantTFC.

"I told myself, ‘Hangga’t nandito ang Star Magic, I would still be here.’ I started as a Kapamilya, I will end as a Kapamilya," bahagi ng talumpati ni Ochoa.

“I know I have a show (on GMA). They (GMA) borrowed, they (ABS-CBN at Star Magic) allowed. I’m thankful. But I’ll always be a Kapamilya," pagdidiin pa ni Dominic.

Sa "Kapuso Alliance Fanpage", binarda ng admin nang bonggang-bongga ang aktor.

"Proud Star Margarine daw si Dominic Ochoa! Pakiwalis nga 'yan at pabalik sa kaniyang bakuran, ang daming puwedeng freelance artist ang magaling at ipagpalit sa kaniya tapos nagsalita pa siya eeewwssss…"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Ang bitter naman ng admin. Walang masama i-acknowledge ang kaniyang home studio. Saka kinuha siya magwork sa GMA dahil magaling siya."

"Uso naman po hiraman… pumunta lang siya sa bakod ng GMA dahil nga hiniram… si Sexbomb Rochelle Pangilinan nga eh kinikilig parking pa lang ng ABS-CBN bakit wala ka kuda?"

"There is nothing wrong with the speech."

"Walang masama sa pahayag dahil doon siya nagtagal, siguro medyo off lang sa timing… maybe some things are much better left unsaid for now lalo kung nagtatrabaho siya ngayon sa GMA…"

"Walang masama sa sinabi niya. Totoo naman. Saka alam ko before, puwede nang pahiramin ang mga Star Magic artist lalo na noong nawalan sila ng prangkisa."

Wala pang tugon, komento, o pahayag si Dominic tungkol dito.