Hindi pa man nagsisimulang mapanood ang "Martyr or Murderer" o MoM, ang pangalawang pelikula kasunod ng "Maid in Malacañang" o MiM, naghahanap na ang direktor at writer nitong si Darryl Yap ng mga artistang puwedeng gumanap bilang si dating Vice President Atty. Leni Robredo at kasalukuyang Vice President Sara Duterte, para sa pangatlong pelikula na pinamagatang "Mabuhay Aloha Mabuhay".

"Habang nagbabyahe kami papuntang Pagudpud, tumawag ang boss ko at narealize ko na Dec 7 pala ang binigay ng Viva para sa final casting ko ng #MAM o MABUHAY ALOHA MABUHAY, ang part 3, kung saan aabot na ito sa pagkapanalo ni PBBM ngayong 2022."

"Aside from having artistas for the Marcoses sa kanilang current age, sumasakit ang ulo ko sa tanong na ito: Sino ang gaganap na RODRIGO DUTERTE, INDAY SARA DUTERTE, LENI ROBREDO, MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO, ngumunguya na ako ng 4 na biogesic," aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa comment section naman ay kaniya-kaniyang mungkahi ang mga netizen sa mga napipisil nilang mga artistang posibleng gumanap sa kaniyang mga nabanggit na personalidad.

"Philip Salvador as Former Pres. Rodrigo Duterte (Same strong personality), Aiko Melendez as VP Sara Duterte ( Same aura), Amy Perez as Leni Robredo (Same na lutang) char! Juanita Galvez (Tita ni Daniela sa Kadenang Ginto) as Miriam Santiago."

"Pag Leni direk its either Agot, Melai or Nikki Valdez, certified kakampink."

"Philip Salvador as Pres Duterte… Leni as herself as you can’t find anybody else."

"Toni Gonzaga as Leni or Alex Gonzaga."

"Ms. Sylvia Sanchez as Leni… Ms. Aiko Melendez as VP Sara. Ms. Dimples Romana as Madam MDS. Kaya lang very loyal Kapamilya si Ms. Dimples."

"For Prrd po I consider Edu Manzano, Inday Sara, anak ni Sylvia Sanchez, kay Leni si Cherry Pie Picache kaya lang puro kakampink eh…"

Sino nga kaya ang magiging cast ng MAM?