Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa, ayon sa pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules.

Sinabi niPSA chief, National Statistician Dennis Mapa, ang naturang datos ay lumabas sa isinagawang labor force survey nitong Oktubre.

“Ang unemployed persons o bilang ng mga nasa labor force na walang trabaho o negosyo nitong Oktubre 2022 ay nasa 2.24 million,” aniya.

Mas mababa aniya ito kumpara sa naitalang 2.50 milyong unemployed individual nitong Setyembre ng taon.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Sa kabila aniya nito, bumaba naman ang bilang ng mga may trabaho sa 47.11 milyon nitong Oktubre mula sa dating 47.58 milyon noong Setyembre, Gayunman, mataas ito sa naitalang 43.82 milyong may trabaho noong Oktubre 2021.

Idinagdag pa ng opisyal na ang pagbagsak ng porsyento ng walang trabaho at may trabaho ay resulta lang ng tinatawag na, "seasonal factors" katulad ng napansin sa pagbagsak ng labor force participation sa isinagawang survey nitong Oktubre kumpara sa nakaraang quarter survey nitong Hulyo.