Tila pinasaringan ng broadcaster na si Ramon Tulfo kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte hinggil sa pagbibigay nito ng liham sa kontrobersyal na basketball player ng JRU na si John Amores.

Matatandaang ibinahagi ni Amores ang natanggap niyang liham mula kay Duterte sa kaniyang Facebook noong Disyembre 5.

“It’s my pleasure receiving this kind of gesture from our dearly VP Sarah Duterte,” ani Amores.

“'Remember the lesson not the mistake, you have a friend from the Office of the Vice President’ It was a great honor Mam thank you for those words of encouragement.”

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Ps. Ipapa frame ko to as a remembrance na sa dami ng bashers at negative critics, may isang tao na ipapaalala sa’yo na mahalaga ka kahit di mo kaano-ano. I won’t lose hope, somewhere in between in the darkest season of my life there’s still a light,” dagdag pa niya.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/12/07/nanapak-na-jru-basketball-player-john-amores-nakatanggap-ng-liham-mula-kay-vp-sara/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/12/07/nanapak-na-jru-basketball-player-john-amores-nakatanggap-ng-liham-mula-kay-vp-sara/

Samantala, nagkomento si Tulfo sa ulat ng Manila Bulletin hinggil sa nasabing liham.

"With that letter, Vice President and DepEd Secretary Sara Duterte is espousing violence in sports," saad nito.

Bukod dito, tila may pasaring pa ang broadcaster sa bise presidente hinggil sa panununtok umano nito sa isang court sheriff noong 2011.

"Well, remember what she did to that court sheriff years ago," ani Tulfo.

Gayunman, wala pang pahayag o reaksyon ang Office of the Vice President omismong si Duterte sa naging pahayag ni Tulfo.