Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang mga tirada ng komedyanteng si Tuesday Vargas hinggil sa mga naging engkuwentro niya sa mga "batang artista" na nagkataong nakasama niya sa isang event.

Sunod-sunod ang naging social media posts ni Vargas noong Disyembre 2 patungkol sa "mga batang artistang" nakisingit na nga raw sa program flow, hindi man lamang siya pinansin. Ang mas nakakaloka pa rito, hinarangan pa raw siya ng handler ng mga ito dahil sa pag-aakalang magpapakuha siya ng litrato sa kanila.

Talak ng komedyante na isa sa mga mainstay sa "Bubble Gang", “Mga batang artista, kahit gaano kayo ka-sikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa n'yo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakakatanda."

“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na ang handler nyo at bawal ata kayong pinaghihintay."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Tapos ako pa ang nagbigay galang sa inyo, dinedma nyo pa ako."

"Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder.

“Pakabait ok? Huwag ganun.”

Napakomento naman dito ang kilalang direktor na si Louie Ignacio.

“Jusko madaling malalaos yang mga batang yan sa ugali nila.

“Feeling sikat agad ha nakakaloka!!!!”

Nagkuwento pa si Tuesday na siya pa mismo ang lumapit sa kanila at nagtangkang makipag-handshake subalit dedma raw sila. Hinarangan pa raw siya ng handler nito sa pag-aakalang magpapa-selfie siya.

Sa sumunod na post ni Tuesday ay napag-alaman niya ang maaaring dahilan kung bakit nagmamadali at sumingit sa program flow ang nabanggit na mga batang artista. Dito ay tinukoy niyang "dalawa" sila.

“Ayun! Kaya pala nagmamadali ang dalawa at sumingit sa program kasi um-attend pa sila ng isang event pa ng sponsor nila."

“Paid gig ito mga anak. Sana di nyo kinuha kung mag-a-attitude lang at magmamadali."

“Mahalin ang trabaho. Para mas madami pa kayong proyekto."

“Nakita ko pa talaga sa feed ko eh. Nahuli ko tuloy.”

Lumipas ang ilang sandali ay agad ding binura ng komedyante ang kaniyang parinig posts at pinalitan ito ng iba.

“Decided to delete my posts and will just leave this here instead because I am beautiful. Ganoin," caption niya, kalakip ang isang art card na may quotation na “Beautiful things don’t ask for attention.”

Sa latest FB post ni Tuesday, sinabi niyang maraming nag-aabang sa kaniyang pa-reveal kung sino nga ba ang mga "batang artista" na tinutukoy niya.

"Ang daming nakaabang sa pagpatol ko. Mga anak tulog na. Wala na pong oras si Tita Tuesday kasi lagari ako today. Ganun talaga pag laos," ani Tuesday.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/04/tuesday-vargas-gigil-sa-pang-iisnab-ng-naka-engkwentrong-mga-batang-artista-umattitude-sa-event/">https://balita.net.ph/2022/12/04/tuesday-vargas-gigil-sa-pang-iisnab-ng-naka-engkwentrong-mga-batang-artista-umattitude-sa-event/

Bagama't wala namang pinangalanan, lumalabas na ang espekulasyon ng mga netizen na tinutukoy niyang "batang artista" at "dalawa" ay tumutukoy sa isang tambalan.

Dahil dito, lumutang na ang pinatatamaan daw niya, ayon sa mga humuhulang netizens, ay sina KD Estrada at Alexa Ilacad, o mas kilala sa tambalang "KDLex" na isa sa promising love teams ng Kapamilya Network ngayon.

Disyembre 5, nagpakawala ng tweets si Tuesday na pumapatungkol sa insidente. Aniya, tinawagan daw siya ng RM o road manager ng "bagets" at humingi ng dispensa sa kaniya.

"Ok so now ako magpo-post kasi kahapon nagpapahinga lang ako at may sakit ako dahil dire-diretso rin ang trabaho. Ang RM ng mga bagets ay tumawag sa akin para umamin at mag-sorry ng kamalian nila. Una ay dine-deny pa na merong isnaban na naganap, then when I relayed what happened, she said 'Ay opo pasensya na po kayo kasi nagmamadali po talaga kami'."

https://twitter.com/tuesday_v/status/1599609436485869569

"Guys we are all missing the point here. I am not petty and it's really ok if hindi nila ako nakita at hindi reciprocated ang pagbati. Madaming iba pang naganap that day at hindi ko na iisa isahin pa."

Naungkat ni Tuesday ang kaniyang "pasaway days" noon at natuto na raw siya sa pagdaan ng panahon.

"Pero I have been through a lot as well in my 20 years in showbiz kaya ako nagpapangaral sa mga bata. Ako mismo received a lot of criticism on my behavior in the past and when people keep me in check, it is an opportunity to become better. Focus tayo sa bagay na makakabuti."

"If mahal n'yo ang mga idol n'yo, kung sila man yun kasi di naman sila pinangalanan sa mga post, ay wag nyong i-feed ang ego at i-tolerate ang mga ugali na puwedeng itama. Para sa kanila yun at sa ikakagaling nila. Sabihin n'yo na lahat about me, pero never discount what happened."

Sa dulo, may mensahe si Tuesday sa mga tagahanga ng KDLex.

"Kung maninira kayo saka mag-aastang super galing, OK blocked na 'yan agad. Pero if you want to engage in an adult conversation na makaka-arrive tayo sa maayos na resolve, I will engage. Kakausapin ko kayo nang maayos kung maayos din kayong kausap."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng KDLex, ng Star Magic, o ng ABS-CBN tungkol dito.