Tila hindi nakasanayan ng maraming netizens ang sexy image ni Carla Abellana sa ilang mga larawan kamakailan dahilan para kaniya-kaniyang hula ang mga ito sa maaaring motivation umano ng Kapuso actress.

Agaw-pansin kasi ang tila biglaang daring at bold na atake Kapuso star sa kaniyang social media kumpara sa nakasanayang simple ngunit eleganteng awrahan lang nito.

Nag-udlot ang lahat kasunod ng pasabog na mga sexy photos ni Carla noong Sabado, Nob. 3, na positibong napansin at pinuri ng mga kasamahan sa industriya.

Basahin: Grabe! Carla Abellana, ginulat ang netizens, kapwa celebs sa daring na mga larawan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa edad na 36-anyos, walang effort na pinatunayan pa rin ng Kapuso star ang kaniyang trono sa showbiz bilang isa sa pinakamagandang mukha sa industriya.

Samantala, dahil nga yata hindi nasanay sa bagong imahe ng aktres ang netizens, kaniya-kaniya paliwanag ang mga ito ukol sa anila'y bagong Carla.

“Baka mag-Vivamax na siya?” anang hula ng isang netizen sa isang umano'y paglipat ng aktres sa isang film agency na salarin sa mga mapangahas na istorya.

“Siguro gaganap siya ng sexy role,” segunda ng isa pa.

As usual, hindi naman naiwasang hindi maungkat ang dating asawang si Tom Rodroguez at ang pinag-usapang hiwalayan ng dating power couple.

Sey kasi ng ilan, paraan umano ni Carla na ipakita ang pagmamahal sa sarili kaya siya nagpapakasexy.

“Epekto ng hiwalayan. Nagrebelde na ang lola hahaha,” paghirit ng isa pa gayunpaman.

Basahin: ‘Blooming’ Kapuso actress Carla Abellana, napansin ng netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi rin lahat sang-ayon sa pagbabago ng imahe ni Carla. Anila, dapat panatilihin lang ng aktres ang dating imahe niya sa publiko.

“Bakit need pa mag ganyan? Ganda naman kahit di na magpa-sexy, mas respetado pa,” sey ng isang follower ng Balita.

Sa kamakailang panayam, sa kabila ng dinanas na proseso sa hiwalayan nila ng dating asawang si Tom Rodriguez, positibo pa ring naniniwala ang Kapuso actress sa pag-ibig.

Tila ito nga ang nakarehistro sa blooming na imahe ng aktres — ang masayang estado ng kaniyang puso.

Basahin: Carla Abellana sa naranasang low point: May mga bagay at taong ‘di natin kayang baguhin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid