Ang kawalan ng interes ng publiko na magpaturok ng bakuna at maikling shelf life ang mga dahilan ng pagkasayang ng mga bakuna laban sa Covid-19.
Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire nang matanong hinggil sa nasayang na 44 milyongCovid-19vaccines sa isang media forum nitong Martes.
“Nandiyan na ang pagbaba ng interes ng ating mga kababayan sa pagbabakuna. Kung mapapansin niyo, in spite of the, all efforts, best efforts ng local governments, mobilized our partners from the private sector, partners from our medical societies, at lahat lahat na—from government agencies. Pero talagang mababa na ngayon ang uptake ng pagbabakuna,” paliwanag pa ni Vergeire.
Ayon kay Vergeire, maraming nagpabakuna laban saCovid-19noong Disyembre 2021, ngunit unti-unting bumaba ang bilang nito noong Enero 2022.
Mas maikli rin aniya ang shelf lives ng mga bakuna laban saCovid-19, kumpara sa mga bakuna para sa ibang karamdaman.
“They are just in their [Emergency Use Authorization], so the manufacturers, they produce the vaccines at a much shorter shelf life,” paliwanag pa niya.
Nilinaw rin naman ni Vergeire na hindi lamang sa Pilipinas nagkakaroon ng pagkasayang ng mga bakuna, kundi maging sa ibang bansa rin.