MABALACAT CITY -- Binalaan ni Mayor Crisostomo Garbo ang mga umano'y drug pushers na nagbabalak na magpalaganap ng mga ipinagbabawal na gamot sa lungsod.

"Huwag na kayong pumasok dito dahil matindi ang direktiba ko. Since I took over as the mayor, wala ni isa ang naipakiusap sa akin regarding sa droga o sa sugal," saad ni Garbo sa mga salarin na nagtatangkang manuhol kapalit ng proteksyon mula sa lokal na pamahalaan.

Ipinaabot ng alkalde ang mensaheng ito kay City Information Officer Jay Pelay IV matapos ma-neutralize ng Mabalacat police ang ilan sa mga suspek sa pagpatay sa dalawang pulis noong nakaraang linggo.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Mabalacat ay regular na nagsasagawa ng mga pagtitipon kasama ang Peace and Order council nito, na binubuo ng iba't ibang departamento at ahensya ng gobyerno katulad ng DILG, PNP, PDEA, BFP, barangay officials at iba pang lokal na otoridad.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito