TAYA NA!

Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang lotto games.

Ito’y dahil sa inaasahang pagtaas pa ng mga papremyong maaari nilang mapanalunan sa susunod na lotto draws ng PCSO sa Miyerkules ng gabi, Disyembre 7.

Batay sa inilabas na jackpot estimate ng PCSO nitong Martes, nabatid na maaaring umabot na sa₱61.5 milyon ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa Wednesday draw.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Wala kasi umanong nakahula sa six-digit winning combination nito na 25-30-35-38-17-45 na binola nitong Lunes ng gabi kaya’t hindi rin naiuwi ang katumbas nitong jackpot prize na₱57,740,008.80.

Mayroon namang 38 mananaya ang nakapag-uwi ng tig-₱32,000 na jackpot prize.

Samantala, inaasahan naman ng PCSO na aabot na rin sa P58 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 ngayong Wednesday draw.

Wala rin kasi anilang nakahula sa six-digit winning combination ng GrandLotto 6/55 na 02-19-48-24-43-52 na binola rin nitong Lunes ng gabi, kaya’t hindi pa rin naiuwi ang katumbas nitong jackpot prize na₱54,048,468.40.

Mayroon namang apat na manlalaro ang nakapag-uwi ng tig-₱100,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang Grand Lotto 6/55 naman ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.