Ito ang malinaw na paalala ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa kanilang mga kawani nitong Martes, Dis. 6.

Sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, isa sa esensya ng selebrasyon ay ang pagbabahagi o pagtanggap ng regalo.

Hindi naman ito katanggap-tanggap sa isang pampublikong tanggapan kagaya ng pamahalaang lungsod dahilan para bigyang-linaw ito ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela.

“Mahigpit na ipinagbabawal sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang pagso-solicit o pagtanggap ng regalo mula sa sinumang indibidwal o grupong kanilang pinaglilingkuran,” mababasa sa abiso sa opisyal na Facebook page ng lungsod, Martes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sakop ng direktiba ang mga nangongolekta ng basura, kaminero, at iba pang empleyado ng pamahalaang lungsod.

“Huwag ding magbibigay ng pera o donasyon sa mga nagpapanggap at nagpapakilalang kawani ng city hall,” dagdag ng paalala.

Malinaw na nakasaad sa Section 50 (8), Rule 10 ng 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service (RACCS) ang naturang alituntunin.

“Receiving for personal use of a fee, gift or other valuable thing in the course of official duties or in connection therewith when such fee, gift or other valuable thing is given by any person in the hope or expectation of receiving a favor or better treatment than that accorded to other persons, or committing acts punishable under the anti-graft laws.”

Ang paglabag dito ay maaaring humantong pagkakatanggal sa trabaho, o iba pang mabigat na reklamo.

“Soliciting or accepting directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan or anything of monetary value in the course of one’s official duties or in connection with any operation being regulated by, or any transaction which may be affected by the functions of one’s office,” dagdag ng alituntunin.

Sa huli, hinikayat ng Valenzuela LGU na idulog sa kanilang Human Resource Management Office sa mga numerong 8352-1000, o ipadala sa kanilang mga social media account ang sinumang mahuhuling nasangkot sa ipinagbabawal na gawain.