Nagdulot ng tensyon ang isang bag na pinaghihinalaang may laman na bomba na iniwan ng isang lalaki sa tapat ng isang bangko sa Maynila nitong Lunes ng hapon.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay ng nakitang gray na bag sa tapat ng isang bangko sa san Fernando St., Binondo.

Sinabi ni MPD spokesperson Major Philipp Ines, kaagad na binomba ng tubig ang nasabing bag.

At nang buksan ng mga tauhan ng Explosive and Ordnance Disposal Unit ng pulisya, naglalaman ito ng mga kable at cardboard na pinagmukhang bomba.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Isa umanong lalaking nakasuot ng puting t-shirt, maong pants, sumbrero at naka-face mask ang nag-iwan ng naturang bag.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente sa ikatutukoy ng suspek at motibo nito.