Aprubado na ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang bigyan ng Filipino citizenship si Ginebra import Justin Brownlee.

Nanawagan ang nagsusulong ng panukala na si Senador Francis Tolentino, na apurahin ang pagbibigay ng Filipino citizenship kay Brownlee dahil malapit na ang deadline sa pagsusumite ng mga pangalan ng maglalaro sa FIBA World Cup qualifiers.

Inaasahang palalakasin ni Brownlee ang kampanya Gilas Pilipinas sa international competition sa Pebrero 2023.

“We are running against time here because there is supposed to be a February six-window of the FIBA World Cup. There is a deadline for the submission of lineups coming from all participants,” ani Tolentino.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“Perhaps by almost the end of January if the President signed a law or if it lapses it into a non-signature law, it will take time. And by that time, we are now costing the FIBA,” dagdag pa ng senador.