Matapos magpakitang-gilas ng 62 dream chasers sa harap ng pinagsamang Pinoy at Korean dream mentors, nakuha ng 22-year-old na si Vinci Malizon ang center position para sa music video ng “Take My Hand” na theme song naman ng idol survival show na “Dream Maker” ng ABS-CBN.

Si Vinci ang nakakuha ng ikaapat na pinakamataas na puntos sa naganap na mentor’s evaluation mula sa Pinoy mentors na sila Angeline Quinto, Bailey May, Darren Espanto at Korean mentors na sina Bae Yoon Jung, Thunder, Bull$EyE, JeA, Bae Wan Hee, at Seo Won Jin.

Nang pinag-ensayo ang dream chasers para sa kanilang signal song, binanggit ng mga mentors na ang pagpili sa magiging center ay hindi naka-base sa kung pang-ilan sila sa mentor’s evaluation. Sumailalim sa matinding training sa pagkanta at pagsayaw ang mga kalahok hanggang mismong si Bae Wan Hee, na siyang choreographer ng ilan sa mga Korean dance hits gaya ng “Bboom Bboom” ng MOMOLAND ang nag-anunsyo na si Vinci nga ang tatayong center para sa music video ng “Take My Hand.”

“This is a level test, Vinci is the only one who understand Kpop and how to be a Kpop idol, so I trusted him that if he is the center, I can entrust him the over-all performance,” lahad ni Bae Wan Hee.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Labis naman ang tuwa ng Batangeñong si Vinci dahil ayon sa kanya, gusto niya talaga makuha ang center position.

Samantala, kasabay ng unti-unting pagsikat ni Vinci, naglabasan din sa social media ang mga panawagang suportahan ang aspiring K-Pop idol. Hindi rin naiwasang maungkat ang kaniyang kulay-politikal dahil isa siyang proud Kakampink.

Kaniya-kaniyang tweet ang mga Kakampink na nagpapahayag ng suporta kay Vinci:

https://twitter.com/tian_cjay/status/1599111912092225537?s=46&t=Rw6kLSZMyk35OEcQ_cptpQ

https://twitter.com/yaniyancruz/status/1595013243038470144?s=46&t=Rw6kLSZMyk35OEcQ_cptpQ

https://twitter.com/centervinci/status/1597081595718307842?s=46&t=Rw6kLSZMyk35OEcQ_cptpQ

Sa pagtatapos ng kompetisyon, pitong dream chasers lamang ang pipiliin upang mabuo ang bagong boy group na siyang ilulunsad sa Korea.

Mapapanood ang “Dream Maker” tuwing Sabado at Linggo, 9:30 ng gabi sa lahat ng ABS-CBN platforms.