Sa ikaanim na sunod-sunod na linggo, muling nanguna ang awiting “Anti-Hero” ng singer-songwriter na si Taylor Swift sa Billboard Hot 100 chart na inilabas ngayong Martes, Disyembre 5, 2022.

Ang hit single na ito ni Taylor ay ang ikasampung awitin sa kasaysayan ng Hot 100 chart na nakagawa nito, kasunod ng “Butter” ng Korean boy group na BTS at “Driver’s License” ni Olivia Rodrigo.

Base sa datos mula Billboard, nakakuha ng 68.9 million radio airplay audience impressions, 20.9 million streams at 13,000 na benta ang “Anti-Hero” mula Nob. 25 hanggang Dis. 1.

Samantala, dalawampu’t limang pamaskong awitin naman ang pasok sa top 100 habang nalalapit ang araw ng Pasko.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Number 2 ang classic Mariah Carey hit na “All I Want For Christmas Is You” na sinundan naman ng “Rockin’ Around The Christmas Tree” ni Brenda Lee sa pangatlong pwesto.

Narito ang kabuoan ng Billboard Hot 100 Top 10 songs para sa linggong ito:

Magsisimula ang panibagong tracking week bukas, Disyembre 7, 2022 at aabangan ng mga “Swifties” kung maungusan na kaya si Taylor Swift ng ibang singers ngayong napapalapit na ang Kapaskuhan at marami na ang nagpapa-tugtog ng Christmas songs.