Lawyer na, climber pa!

Tamang flex lang ng malakas na pangangatawan ang 82-anyos mulas a Cavite na si Atty. Iluminada Vaflor Fabroa matapos niyang makasungkit ng rekord bilang pinakamatandang babaeng nakaakyat sa tuktok ng Mt. Apo.

Narating ni Iluminada Vaflor Fabroa ang tuktok ng Mount Apo sa pamamagitan ng Kapatagan, Digos City trail sa Davao del Sur, sa loob ng tatlong araw.

"Glory to God I have conquered the Mt. Apo in 3 days at the age of 82," sey ni attorney.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Ayon kay Digos City Tourism Officer Perla May Griffin kinailangan pa ng trail ni Fabroa dahil nahirapan din ito sa pag-akyat.

Gayunpaman, sinabayan ng magandang kondisyon ng panahon ang kanyang determinasyon, nagawa ni attorney na masakop ang pinakamataas na bundok ng Pilipinas.

Plano pa ni Fabroa na akyatin ang Mount Everest base camp sa susunod na taon kung sakaling buhay pa siya nito.

Si Fabroa, na nagdiwang ng kanyang ika-82 kaarawan sa campsite ay nagtakda ng rekord bilang pinakamatandang babae na nakarating sa tuktok ng Bundok Apo.

Samantala, noong Setyembre, binasag ni Tatay Pascasio M. Carcedo "Tatay Casio," 83-anyos mula Davao City, ang rekord ng isang Singaporean national bilang pinakamatandang climber na nakarating sa tuktok ng Mt. Apo.

BASAHIN: 83-anyos na lolo mula Davao, latest na pinakamatandang nakaakyat sa tuktok ng Mt. Apo

Binasag ni Tatay Casio ang rekord ni Peter Chong, isang Singaporean national, na edad 80-anyos nang marating ang tuktok ng Apo noong 2020.