Kinondena ng pamunuan ng volleyball team na Choco Mucho Flying Titans ang anila’y malisyusong pagpapakalat ng online posts laban sa kilalang kupunan.
Matatandaang unang umagaw ng pansin ang grupo kasunod ng viral video ng pandededma umano ng ilang manlalaro sa ilang fans sa Boracay kamakailan.
Lalo pa itong sumabog online nang magbahagi ang kontrobersyal na fitness vlogger na si Rendon Labador ng kaniyang saloobin sa isyu.
Depensa ng pamunuan ng CMFT, isang bahagi lang umano sa kabuuang larawan ang naipakita sa viral video.
“The team was in Boracay recently for a short break after a busy year of heartbreaking finishes. A video from that trip went viral, with netizens portraying some of our players as snob who lack ‘good manners and right conduct,’” anang pamunuan ng grupo, Lunes na tila pasaring din sa online personality.
“Unfortunately, what is not included in the viral clip are other videos online showing the players acknowledging and talking to fans, and accommodating selfies and videos with them while trying to have their break,” pagtatanggol pa nito.
Dagdag ng pamunuan, ang kanilang manlalaro ay “warm, respectful, and appreciative, and accommodating” sa fans.
“While we acknowledge that our team could have handled that particular encounter in the video better, we denounce malicious posts that put our players, or team, and our company in a bad light,” dagdag nito.
Sunod na kinondena ng management ang anila’y mga walang basehang pahayag online laban sa grupo.
“Posting these innuendoes only brings negativity to our volleyball community and put the well-being of our athletes at risk.”
Sa huli, nagpaabot pa ng pasasalamat ang pamunuan ng CMFT sa patuloy na suporta at paggalang ng fans sa kupunan.
“Together, let us grow the sport of volleyball with an atmosphere of respect for each other,” pagtatapos at paghihikayat ng pahayag.
Matatandaang matapos kumalat ang video, isa pang tila tagpo ng pandededma umano ng isang star player ng kupunan ang sunod na nag-viral online.
Samantala, wala pang tugon si Rendon kasunod pahayag ng pamunuan ng CMFT.