Ibinunyag ng actress-cosplayer na si Myrtle Sarrosa na nawalan siya ng karelasyon dahil sa pagpili sa online games, ayon sa naging panayam sa kaniya ng isang entertainment site.

Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP sa dating "Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4" Big Winner, na lumipat sa Kapuso Network, at ngayon ay bagong ambassador ng Guitar Apparel, mas buhos umano ang atensiyon niya ngayon sa paglalaro ng online games.

Natuon umano sa paglalaro ng online games si Myrtle sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.

“All I did was basically play video games, an entire year hanggang sa medyo naubos ko na yung lahat ng mga inipon ko," ani Myrtle.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bongga naman dahil kumikita na rin siya rito dahil sa endorsements.

"Dahil naging endorser ako ng maraming brands, kasi mas ina-acknowledge nila ako sa games… you are actually making a name for yourself because of the video games,” paliwanag ng cosplayer-actress.

Hindi rin aniya siya nagsisising "pinagpalit" niya ang ex-boyfriend sa video games.

“Hindi naman siya nagalit pero ako na yung nagsabi sa kaniya na, ‘I don’t think with my time, may oras pa ako sa relationships, kasi I’d rather play games."

“Noong una, hindi niya naiintindihan, pero naintindihan niya rin and he let me go."

“Hindi naman sa hindi ko siya totoong mahal. Siguro there comes a point in time in life na there are things na more valuable sa ‘yo,” aniya pa.