Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento ang tila rant post ng character actress na si Matet De Leon, na bagama't walang binanggit na pangalan, ay mahihinuhang para sa kaniyang inang si Superstar Nora Aunor o Ate Guy.

Umikot ang sama ng loob ni Matet sa umano'y pagkumpetensya ni Ate Guy sa kaniyang negosyong gourmet tinapa at tuyo. Alam naman daw ng kaniyang ina ang tungkol sa kaniyang mga paninda, bakit ito pa ang naging negosyo rin nito?

Ayon sa IG post ni Matet nitong Disyembre kung saan nakasarado ang comment section, "Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? How can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO."

"Nung isang gabi, sinabihan ako na na mag-resell na lang ng products ng nanay ko. Pinaghihirapan namin ang pagtitinda. Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Alam niyang may produkto akong ganyan.. Marami naman daw akong taping. Ano sa tngin niyo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin? Kung may anak kayo, GAGAWIN NIYO BA SA MGA ANAK NIYO TO?"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/04/matet-imbyerna-kay-ate-guy-negosyo-niyang-gourmet-tinapa-at-tuyo-kinumpetensiya-pa-raw/">https://balita.net.ph/2022/12/04/matet-imbyerna-kay-ate-guy-negosyo-niyang-gourmet-tinapa-at-tuyo-kinumpetensiya-pa-raw/

Narito ang ilan sa mga komento at payo ng netizens kay Matet, na mababasa sa ulat ng Balita Online.

"Competition is healthy for any business. Anyway the market is big. Good luck to both of you."

"Mag-collab na lang kayo!"

"Please create healthy competition lalo't nagpalaki 'yan sa iyo. Be kind to your mom. God bless."

"OK lang 'yan Matet… Wag mong isipin na kinukumpitensya ka ng nanay mo… Nanay mo 'yan. Isipin mo na lang na ang nanay mo ay may pangangailangan din… nag-iisa at walang katuwang… tumatanda na… ipaubaya mo na lang at unawain…"

"I know how it felt pag kinumpitensya ka ng malapit sa'yo kahit hindi mo kamag-anak, kahit kaibigan mo madaling sabihin na business is business pero pag andiyan na mapapaisip ka ang mga tao nawawalan ng respeto sa kapwa basta pera lalo na alam naman nila na yun lang ang bumubuhay sa inyo marami naman pwedeng business or puwede naman sila mag-market sa ibang lugar."

"Kaysa ikaw pa ang bumuhay sa nanay mo hayaan mong magtrabaho siya hanggat kaya niya. Honor your mother."

"Ang masakit doon kung magkapitbahay lang kayo, baka nasa Bicol ang area ni Ate Guy, hayaan mo na lang, isipin mo na lang healthy competition."

"You can't blame her, she's hurt kasi it's her Mom na nakipagkompetensya sa kaniya buti sana kung iba. True, maraming competition sa business but it hits different when family na mismo. Instead of supporting that person, you go against them? Di ba? Sinong di papalag. And to think people are telling her na mag-resell na lang sa products ng nanay niya, when in fact, siya nauna. Her Mom could have supported her by being a reseller or promote ang business ng anak niya."

"Mag-usap na lang kayo in private wag mo na ilagay sa social media kung ano man himutok mo… nanay mo pa rin 'yan kahit di mo kadugo… dapat may pagkukumbaba pa rin… God bless."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang Superstar tungkol dito.