Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) nitong Lunes na aabot pa sa 92,000 lisensyaang hindi pa nila nai-re-release hanggang nitongNobyembre.

Paliwanag ni LTO chief, Jose Arthur Tugade sa isang television interview, kabilang sa nakikita nilang dahilan ngbacklog ay ang mga sirang laser engraver na ginagamit sa pag-iimprenta ng lisensya.

"Nais naming iparating sa tao na 'yung mga opisina na defective ang engravers... huwag na po kayong pumunta sa mga opisinang 'yun. Pumunta kayo sa mga may gumana para hindi masayang ang oras at araw niyo," aniya.

Aminado si Tugade na nire-repair na lang muna nila ang mga sirang engraver dahil sa kawalan ng pondong pambili ng bago unit na nagkakahalaga ng₱2 milyon kada isa.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

"I commit to deliver those licenses pero kailangan ko rin ng pondo para ma-repair ang engravers natin," sabi nito.

Tatagal aniya ngilang buwan ang pagkukumpuni kaya mabuting alamin muna ang mga tanggapang hindi makapagbibigay ng lisensiya, na makikita anila sa kanilang Facebook page.