Hindi nakaligtas sa mga mata ng referee, hurado, at maging camera ng GMA Sports ang ginawang paghimas at pagpisil-pisil ng isang basketball player mula sa Colegio de San Juan de Letran sa kalabang basketball player mula sa College of Saint Benilde, sa Game 1 ng NCAA Season 98 men's basketball finals.

Winarningan ng referee si Letran player Pao Javillonar matapos maispatang hinihimas ang wetpaks ni Will Gozum ng College of Saint Benilde, nang sila ay nasa 4:57 mark ng 3rd quarter.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Ganoon 'yung ugali niya siguro. We don't tolerate that kind of player… Siguro physicality matatanggap ko pero 'yung ganoon?" ayon sa panayam kay Gozum kahapon ng Linggo, Disyembre 4.

Matatandaang noong nakaraaang buwan, nalagay naman sa intriga ang ilang players ng CSB dahil sa panununtok ni John Amores ng Jose Rizal University.

Binatbat naman ng komento at reaksiyon mula sa mga netizen ang ginawa ni Javillonar.

"Dude is playing a different set of balls."

"Should not be tolerated. I don’t think Colegio de San Juan de Letran will be proud of such action."

"Wrong ball bruh, wrong ball…"

"Alam na kung sino hindi isasabay maligo at magbihis after ng game…"

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang paaralan ni Javillonar tungkol dito.