Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City -- Nasa 14,703 PNP personnel sa Region 2 ang nabakunahan na laban sa Covid-19, ayon sa Regional Medical and Dental Unit 2.

Kinumpirma ito ni PCOL Jonard de Guzman, hepe ng RMDU2, sa naganap ng flag ceremony nitong Lunes na kung saan siya ang nagsilbi bilang Guest of Honor at Speaker. 

Sinabi ni De Guzman na mataas ang porsyento ng pagsunod ng PRO2 sa pagpapabakuna laban sa Covid-19 kaya't ang bawat miyembro nito ay protektado laban sa nasabing virus.

Bukod sa programa ng pagbabakuna laban sa Covid-19, patuloy pa rin ang RMDU2 Health Service sa pagbibigay ng libreng pustiso, libreng bakuna laban sa typhoid fever, regular na pagsasagawa ng Annual Physical Exams ng mga pulis, at pagbibigay ng libreng bitamina.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito