Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa ilang indibidwal na nag-so-solicit, gamit ang kanilang ahensya.

Sa pahayag ng BSP, wala silang empleyado o sinuman na pinahihintulutan nilang mag-solicit.

Paliwanag ng ahensya, ginagamit ng mga ito (indibidwal) ang tunay na pangalan ng kanilang opisyal at kawani sa pagtawag o pagpapadala ng mensahe sa kanilang bibiktimahin.

Bukod dito, gumagamit din ang mga indibidwal ng email address na kahalintulad ng lehitimong gamit ng mga opisyal ng BSP.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“In the performance of their official functions, the BSP clarifies that its personnel, officers, and units will never solicit money or ask any information or documents involving private individuals’ financial transactions,” pahayag ng BSP.

"To guard against such misrepresentations, the BSP reminds the public to always remain vigilant, avoid providing personal or financial information to suspicious individuals, and refrain from sending money to unverified recipients,” ayon sa ahensya.

Nanawagan din ang BSP na isuplong sa kanila ang anumang kaduda-dudang transaksyon upang mabigyan kaagad ng aksyon.

Kamakailan, binalaan din ng BSP ang publiko laban sa smishing o phishing scams na gumagamit ng text message upang kumbinsihin ang mga bibiktimahin na pumasok sa mga kaduda-dudang link.