Sumipot si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ) sa kinakaharap na kasong murder kaugnay ng pagkakapaslang kina veteran broadcaster Percival "Percy Lapid" Mabasa at sa umano'y "middleman" na si Cristitos Villamor.

Kasama ni Bantag ang mga supporter nito at abogado nang magtungo sa DOJ upang magsumite ng kanyang counter-affidavit at iba pang karagdagang dokumento hinggil sa kaso.

Iginiit ni Bantag na hindi siya nagtatago at nasa bahay lang umano ito.

"'Di ko matandaan sa dami," sabi ni Bantag nang tanungin ng mga mamamahayag kung ano ang nilalaman ng kanyang counter-affidavit.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Hindi sumipot si Bantag sa preliminary investigation ng kanyang kaso nitong Nobyembre 23.

Bukod kay Bantag, sinampahan din ng dalawang kasong murder si National Bilibid Prison Supt. Ricardo Zulueta matapos silang ituro na may pakana umano sa pagpatay kina Lapid at Villamor.

Matatandaang pinagbabaril si Lapid habang minamaneho ang kanyang kotse malapit sa gate ng BF Resort Village, Las Piñas nitong Oktubre 3.