Nabanggit ng TV host-actress-vlogger na si Alex Gonzaga na na-traumatize raw siya sa isang "artistang matanda" na sinigaw-sigawan daw siya sa mula ulo hanggang paa nang sila ay magkasama sa isang proyekto.

Mapapakinggan ito sa podcast ni Alex na "Ano na Catherine?" na mapapanood din sa kaniyang YouTube channel. Tinalakay ni Alex sa vlog na lagi siyang "bad guy" sa paningin ng lahat dahil sa kaniyang "maingay" at palabirong personalidad.

Sa bandang dulo ay nabanggit ni Alex ang kaniyang karanasan sa isang senior star, noong siya ay nasa edad 20 o 21.

"So there was a time, when I was in early 20s, mag-21 ako, I was so traumatized, pinagsisigawan ako ng isang artistang matanda… pinagsisigawan niya talaga ako from head to foot, everything, kasi akala niya galing ako sa bahay late lang ako, hindi niya alam na galing ako sa work kasi siguro hindi sinabi sa kaniya," ani Alex.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"And then after how many years, she's pointing me as the bad guy, na deserve ko. Yung pinapanood ko, I think hindi ako 'yan, pero parang yung kuwento ko ang sinasabi niya, pero mali yung kuwento niya. Di ba may mga gano'n? May mga tao na who did you wrong, or who traumatized you, and then you don't even talk about it, parang you would just let it be, and then pag sila pa ang nagkuwento, sila pa yung mabait, ikaw pa yung masama, parang ibang-iba na yung kuwento."

"So naisip ko, anong kailangan kong gawin kapag ganoon? And then ang daming umaagree… wala… kasi alam ko naman yung katotohanan eh," ani Alex.

&t=299s

Walang binanggit o tinukoy na pangalan o gender si Alex kung sino ba ang tinutukoy niyang artistang matandang nambulyaw sa kaniya.