ISABELA - Nasa₱6.6 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ngPhilippine Drug Enforcement Agency(PDEA) at pulisya sa isang operasyon sa Quezon kamakailan.
Sa report ng PDEA-Region 2, pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang suspek na si Bryan Appag, taga-Barangay Abut, Quezon, na nakatakas sa nasabing operasyon.
Sa imbestigasyon, nagkasa ng buy-bust operation ang mga ahente ng PDEA-Region 2, Nueva Vizcaya Provincial Office, PDEA Quirino Provincial Office, at Kalinga Regional Force Mobile Battalion 3Rd Company laban kay Appag sa naturang lugar dakong 8:15 ng gabi nitong Disyembre 3.
Gayunman, nakatunog umano si Appag kaya tumakas at inabandona ang ₱6,600,000.00 na halaga ng marijuana bricks na nasa 55 kilo.
Sa kabila nito, inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Section 5, Article 2 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) laban kay Appag.