May dahilan ang online personality na si Xian Gaza kung bakit hindi umano niya inaakyat ng ligaw ang kontrobersyal at internet star na si Zeinab Harake.

Ito ang ibinahagi ng negosyante sa isang Facebook post, Linggo, kasunod ng muling reunion nila ni Zeinab sa Dubai.

“Hindi ko pinu-pursue si Zeinab kasi alam kong masasaktan ko lang siya and I don't want to lose her in my life,” saad ni Xian na aminadong siya mismo ay “maling tao pa” sa ngayon.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Mabuti pa na manatili kaming magkaibigan who got each other's back kaysa immature relationship na mauuwi lang din sa hiwalayan,” dagdag ng online Marites.

Gayunpaman, umaasa naman si Xian na matutunan niya ring pumasok sa isang seryosong relasyon at kung dumating aniya ang panahon na ‘yun, umaasa siyang single pa rin ang kaibigang si Zeinab.

“For now ay pagsasawaan ko muna ang aking pagkabinata sa iba't-ibang bahagi ng mundo while having her as my solid tropa na susuportahan ko sa lahat ng bagay,” ani Xian.

Sunod namang pinatutsadahan ni Xian ang kanilang bashers.

“They can hate us all they want. They can attack us on all fronts. Siraan nila tayo hanggang gusto nila pero hinding-hindi nila tayo kayang pabagsakin. We remain on top while they are all barking from below,” aniya.

Sa huli, pinasalamatan ni Xian ang internet star para sa tunay nilang pagkakaibigan.

“I love you more than friends,” makahulugang pagtatapos niya.