Hindi pa man nareresolba ang isyu ng pang-iisnab umano ng volleyball team na "Choco Mucho Flying Titans" sa ilang fans, muli na namang nalagay sa kumukulong tubig ng intriga ang isa sa mga star player nitong si "Deanna Wong", matapos ibahagi ng isang TikToker ang isang video, kung saan makikita ang hindi nito pagpansin sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/">https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/

Makikita sa TikTok video ng netizen na si "Rajin Navarro" ang pag-hi niya kay Deanna na naispatan niya sa isang tila sinehan sa loob ng mall.

"Snobber ba talaga si Deanna? Kayo na bahala…" ayon sa text caption ng TikTok video.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Makikitang halos kadikit na ni Deanna (na nakasuot ng face mask) ang naturang TikToker subalit tila abala ang volleyball star sa pakikipag-usap sa kaniyang mga kasama.

Maya-maya, umalis na ito sa counter ng bilihan ng mga snacks at bahagya namang sumulyap sa kinaroroonan ng kumukuha ng video.

"Deanna… Deanna… tingin ka lang," paulit-ulit na pakiusap ng TikToker, subalit hindi na siya tinapunan ng tingin o sulyap nito.

Sa comment section ay nagkomento naman dito ang social media personality na si Jai Asuncion.

"Aww sorry ate you had to experience this 🥺," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Di nman siguro mahirap magsabi ng hello or hi lang."

"Hay naku! Wag n'yo ibaba sarili n'yo sa mga 'yan."

"Deanna namansin hahaha."

"Hahaha kaya ako never akong nastarstruck sa mga ganiyan. Pag nakakita ako, dedma!!!"

"Ano ba naman yung isang HI lang. kahit pagod man yan.. wait nyo ko maging sikat kahit mainit ulo ko mag hi ako mapasaya lang kayo."

"Si Sarah Geronimo binati siya ng nanay ko, nag-hi din siya tapos nag-compliment pa. Super warm. Nakakatuwa. Sikat na sikat pa yun ha."

"Parang bagay ang name, deanna-mansin haha."

May mga dumipensa rin naman para kay Deanna.

"Madali lang 'yan ate, kung di ka pinansin, huwag mo ring pansinin."

"Alam ko may nasabi nang ganyan noon si Nadine Lustre. Like, kilala ba kita? Feelingera si ate, bakit ka naman papansinin ni Deanna kung di ka naman kilala?"

"Kita mo naman sigurong may mga kasama siyang friends 'di ba? Wala siyang obligasyon sa iyong pansinin ka."

"Personal moment niya 'yan ate, konting unawa naman. Halos majority ng buhay niya inaalam ng publiko, ibigay na lang natin sa kanila."

"Kasalanan mo rin eh, sinabihan ka na ngang huwag nang sundan, sunod ka pa rin. Matuto ka namang makiramdam!"

Umabot na sa 3.5M views ang naturang TikTok video.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Deanna tungkol dito. Bukas ang Balita Online sa kaniyang panig.