Sinuspindi ng Pilipinas Super League (PSL) ang player ng Boracay Islanders na si Mac-Mac Cardona matapos ang insidente ng pambabato ng upuan sa loob ng playing court sa laban ng koponan nito kontra Batang Kankaloo sa AYSN Sports Center sa San Juan City nitong Huwebes ng gabi.
Bukod sa one-game suspension, pinagmulta rin ng ₱10,000 sik Cardona bilang parusa sa naging pagwawala nito.
Nauna nang pinatalsik sa laro si Cardona, 4:35 na lang ang natitira sa final period at nang nasa bench na ito ay kumuha ng upuan at biglang ibinalibag sa court.
Hindi pa nakuntento, pinag-initan pa ni Cardona ang game officials.
Nanalo sa laban ang Kankaloo,111-96.
Matapos namang pag-aralan nang husto ang insidente, nagdesisyon naman sina Commissioner Marc Pingris, basketball operations chief Leo Isaac, at technical head Rey Cañete na parusahan si Cardona.
"Upon further review and investigation, our technical committee has decided to penalize Mac Cardona for damage to property, blatant disrespectful actions that are detrimental to the league, and conduct unbecoming of a professional athlete," pahayag pa ng PSL.
Philippine News Agency