Inaasahang aakyat na sa mahigit ₱328 milyon ang jackpot ng UltraLotto 6/58 sa bola nito ngayong Linggo ng gabi, Disyembre 4.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), wala pa ring pinalad na magwagi sa ₱319,977,404 premyo ng UltraLotto 6/58 na binola nitong Disyembre 2 ng gabi.

Walang nakahula sa six-digit winning combination nito na 31-11-33-06-01-10.

Gayunman, may 49 mananaya ang nakapag-uwi ng tig-₱120,000 na second prize.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Kaugnay nito, nanawagan naman si PCSO Vice Chairperson, General Manager Melquiades Robles sa publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet at tumaya upang magkaroon ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.