Sinalubong ng ilang midya at kaniyang national organization si Miss Earth 2022 Mina Sue Choi sa Incheon International Airport nitong Linggo.

Nagbabalik South Korea si Mina Sue limang araw matapos itanghal sa Pilipinas na kauna-unahang Korean titleholder ng prestihiyusong conservation-driven na pageant.

Basahin: Mina Sue Choi, 24, ng South Korea, kinoronahang Miss Earth 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito rin ang unang titulo ng South Korea mula sa tinaguriang Big 4 pageants sa buong mundo kasama ang Miss Universe, Miss World, at Miss International.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nakatakda namang umarangkada ang media tour ni Mina Sue sa kaniyang paglapag sa kaniyang home country kung saan kaliwa’t kanang headline din ang inani ng beauty queen.

Nitong ring Linggo, sa kauna-unahang pagkakataon, nagbahagi ng kaniyang nararamdaman ang 24-anyos na titleholder na aminadong hindi pa rin makapaniwalang nasungkit ang korona.

“I think it's the first time in my life that so many people congratulated and rejoiced with me,” mababasa sa Instagram post ng beauty queen.

Sunod na pinasalamatan din nya ang kaniyang supportive parents.

Nasa queen mode naman agad si Mina na hindi nakalimutan ang adbokasiya ng pageant brand na hindi lang aniya “beauty contest.”

“Environmental protection is not a task but a habit that should coexist in everyday life. The things we can do, the things companies should do, and the environmental policies that need to be tightened, all need to be done together so we can achieve sustainable development,” dagdag ni Mina Sue.

“From the moment I wear the crown of Asra, I, Minasu Choi will be at the forefront of informing our environment and social issues. I think if I have more experience and knowledge, I should understand those who haven't once more and help them understand and grow,” dagdag ng bagong reyna.

Sa kaniyang isang taong reign, nangako naman si Mina Sue na ibubuhos ang panahon para maranasan at pag-aralan pa ang ilang environment at social issues sa iba't ibang bahagi ng mundo.

“In the future more than where I am, tomorrow more than today! As a proud Korean, I will grow every moment as a leading woman. Watch my colorful moves! 🇰🇷” pagtatapos niya.