Posibleng umabot sa₱320 milyon ang magiging jackpot sa draw ng 6/58 Ultra Lotto nitong Linggo ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang tumama sa₱319.98 milyong jackpot ng naturang lotto games nitong Biyernes, Disyembre 2, kung saan lumabas ang winning combination na 31-11-33-06-01-10.

Binobola ang 6/58 Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo at mapapanood ito sa YouTube o sa government-owned PTV4 dakong 9:00 ng gabi.

Sa abiso pa ng PCSO, maaari lang sumali sa lotto games ang mga may edad 18-anyos pataas.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Sa kasaysayan ng lotto sa Pilipinas, aabot sa₱1.18 bilyon ang pinakamalaking premyo ng 6/58 Ultra Lotto noong 2018.

Napanalunan ito ng dalawang mananaya noong Oktubre ng nasabi ring taon, ayon pa sa PCSO.