Namahagi ng maagang pamasko ang mag-asawang Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa mga batang naninirahan malapit sa Malacañang complex ngayong Linggo ng umaga, Disyembre 4.

Ang mga bata naman, hinaranahan sila ng "Oh, Holy Night'.

Masaya ang pangulo na makitang masaya ang mga bata, dahil naniniwala siyang hindi kompleto ang Pasko kung hindi sila nakangiti.

“Napakasaya talaga at hindi kumpleto ang kahit anong Pasko kung hindi natin nakikita ang ngiti at tuwa ng ating mga anak, ang ating mga apo, ang ating mga kabataan," ani Marcos.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Kaya’t this is a very very happy day for me dahil tradisyon ito dati pa, dito sa Palasyo, gumagawa kami ng children’s party ‘pag Pasko para naman lahat nakasiguro tayo lahat ng ating kabataan sa buong Pilipinas ay merong Pasko," mensahe ng pangulo.

Bago ang gift-giving event ngayong umaga, nagkaroon muna ng gift-giving event nitong Disyembre 3 ng gabi. Ibinida ng pangulo ang “Balik Sigla, Bigay Saya,” isang programa kung saan mamahagi ng regalo sa kabataan nationwide.

“More than 40 locations around the Philippines gumagawa rin tayo ng ganito para rin makatiyak na kahit saan sa Pilipinas ay nagawa natin ng paraan upang mabigyan ng Pasko ang ating mga kabataan," aniya.

Ang mga regalong natatanggap ng mga bata ay mula sa mga pribadong sponsors, tanggapan at ahensiya ng pamahalaan gaya ng Office of the President, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at iba pa.