Hindi sapilitan ang kontribusyon para sa idinadaos na Christmas party sa mga paaralan, ayon sa pahayag ng Department of Education (DepEd) nitong Linggo.

Sa inilabas na alituntunin ni Vice President, interim DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio, dapat simple lang at makabuluhang ang pagdiriwang upang maramdaman ang tunay na diwa ng Pasko sa gitna ng bumabangong ekonomiya ng bansa dulot ng  pandemya.

Sa kanyang kautusan, dapat boluntaryo lang ito upang hindi maging pabigat sa mga magulang at estudyante ang gastos sa pagdiriwang.

"No learner or DepEd personnel should be forced to contribute, participate or use their money for the celebration," ayon sa kautusan ni Duterte-Carpio.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Binanggit din na walang dapat iitsa-puwera sa Christmas party kahit hindi sila nakapagbigay ng kontribusyon o regalo.

Matatandaang hindi nakapagdaos ng Christmas party ang mga eskuwelahan sa mga nakaraang taon dahil sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).