Hindi tinamaan ang mahigit sa ₱333.9 milyong jackpot sa isinagawang draw ng 6/58 Ultra Lotto nitong Linggo ng gabi, ayon sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa pahayag ng PCSO, hindi nahulaan ang winning combination na 06-49-58-35-36-31 na may katumbas na premyong aabot sa ₱333,985,864.40.

Dahil dito, ipinahayag ng PCSO na lolobo pa ang nasabing premyo bago ang isagawa ang susunod na draw sa Martes, Disyembre 6.

Sa kasaysayan ng lotto sa Pilipinas, aabot sa ₱1.18 bilyon ang pinakamalaking premyo ng 6/58 Ultra Lotto noong Oktubre 2018 kung saan napanalunan ito ng dalawang mananaya.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Binobola ang nasabing 6/58 Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes, at Linggo, ayon pa sa PCSO.