Napatanong ang batikang aktor na si Edu Manzano sa ibang netizen kung magkano na ba ang singil o fee sa bawat bank transaction ngayon lalo na kapag isinagawa ito sa pamamagitan ng online.

Iyan ang bumungad sa kaniyang tweet noong Disyembre 2 kung saan nakaltasan umano siya ng ₱25 sa bank transaction na kaniyang ginawa.

"Doesn’t anyone notice how much money the banks charge us when we’re doing a simple transaction. I paid as high as ₱25 for the last one," ani Edu.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

https://twitter.com/realedumanzano/status/1598366495054393346

Sa comment section ay nagbahagi naman ng kani-kanilang mga karanasan ang mga netizen, depende sa kanilang bangko.

Isang netizen naman ang nagbigay ng payo sa kaniya, sa halip daw na magreklamo siya.

"Please know how much a transaction costs before actually making the transaction. Most already know these bank charges for years."

"We understand banks need to make money but charges are also going up. Many times the consumers are left with no choice. Why not one standard fee?" sagot naman ni Edu.

https://twitter.com/realedumanzano/status/1598921975430512640

Aprub din kay Edu ang komento ng isang netizen na dapat itong pagtuunan ng pansin ng lawmakers sa bansa.

https://twitter.com/macronikki/status/1598663769147596803

Hindi naman binanggit ng batikang aktor kung anong bangko ang tinutukoy niya.