Ito ang anunsyo kamakailan ng singer at Broadway actress na si Rachelle Ann Go pagpasok ng buwan ng Disyembre.

Sa serye ng mga larawan sa Instagram noong Biyernes, isang masayang pamilya ang maipipinta kasama ang unang anak na si Lukas Judah at mister na si Martin Spies.

“Hello December! Hello Baby #2,” mababasa sa caption ng singer.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Agad namang bumuhos ang pagbati sa celebrity mom mula sa mga kaibigang celebrity.

“Huwat? Congrats!” tila ‘di makapaniwalang komento ng kaibigan at kapwa singer na si Mark Bautista.

“Yehey!!! Congrats Spices!!!” saad ng manager na si Noel Ferrer.

“Congraaaaats Shiiiin!!!!!!” komento ni Yeng Constantino.

“Woooow congrats!!!!” pagbati rin ni Jay-r.

Nagpaabot din ng congratulatory messages ang ilan pang stars kabilang na sina Anne Curtis, Carla Abellana, Isabel Oli, bukod sa maraming iba pa.

Ang pinagdadalang-tao ng singer ay ikalawa na sa kaniyang chikiting, sunod sa higit isang taong-gulang na si Lukas Judah.

Taong 2018 nang ikasal ang Pinay international songstress sa English na si Martin Spies.

Mula noon, sa London na nanirahan si Rachelle.