Nakatakdang hiranging most valuable player (MVP) ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 ang 6'11" center ng University of the Philippines (UP) na si Malick Diouf.
Si Diouf ay ikalawang manlalaro ng UP na nakatakdang tumanggap ng pinakamataas na individual award. Noong 2018, nakuha ng manlalaro ng UP na si Nigerian Bright Akhuetie ang kahalintulad na award.
Ikalima naman si Diouf sa foreign student athlete na naging MVP pagkatapos ni Ben Mbala ng De La Salle University,Akhuetie, Soulmane Chabi Yo ng University of Santo Tomas, at Ange Kouame ng Ateneo.
Pagkatapos ng elimination round, nakapagtala si Diouf ng10.79 points, 10.86 rebounds, 2.86 assists, 1.57 blocks, at 1.50 steals kaya naitala nito ang statistical points (SPs) na 73.857.
Ito rin ang nagdala sa kanyang koponan sa ikalawang puwesto sa eliminations sa rekord na 11-3 kaya nakuha nila ang twice-to-beat advantage sa Final 4.
Bumuntotnaman kay Diouf si Forth Padrigao ng Ateneo na nakapagtala ng 71.571 SPs na sinundan ng kakamping si Ange Kouame (70.786 SPs).
Nasa ikaapat namansiLuis Villegas (UE) sa hawak na 69.857 SPs habang si Evan Nelle (DLSU) ay nasa ikalima (68.091 SPs).