Pinasalamatan ng aktres na si Sunshine Cruz ang kasalukuyang partner ng dating mister na si Cesar Montano na si Kath Angeles matapos itong dumalo sa 17th birthday party ng bunsong anak nila ni Buboy na si Chesca Montano, na nagdiwang ng kaarawan noong Disyembre 1.

Makikita sa Instagram post ni Sunshine noong Disyembre 2 ang mga litrato nila ng mga anak nila ni Buboy kasama si Kath, at kasama nitong batang si Kristen, na anak naman nila ng aktor.

"Happy to see you last night @maarriiaaa05 & Kristen. Chesca, as well as Sam and Angelina are truly blessed to gain a Tita Kath. 🙏🏻❤️Thank you for loving the three girls."

"They are grateful to you and they love you, their dad and their siblings. ☺️❤️"

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

Ikinatuwa naman ng mga netizen ang maayos na relasyon nina Sunshine at mga anak sa kanilang ama at sa bago nitong pamilya.

Unang nagkaharap sina Sunshine at Kath sa 21st birthday ng panganay nina Sunshine at Cesar na si Angelina. Dito ay sinabi ni Sunshine na panahon na raw upang limutin ang nakaraan; after all, isa silang "blended family" at okay sila sa ganitong set-up.