Dalawang bagyo na raw ang dumaan subalit nananatiling matatag sa pagkakakapit ang baby diaper na idinikit ng netizen na si Joel Valmadrid sa kisame ng kanilang bahay, ayon sa kaniyang viral Facebook post.

Ayon kay Joel na may asawa't anak na baby, naisipan daw niyang gamitin na lamang ang baby diaper panalo sa tulo mula sa bubong kapag umuulan. Dumaan na raw ang bagyong Ulysses at Paeng subalit nananatiling matatag ang kaniyang "reusable alulod".

"Flakes (Flex) ko lang yung waterproofing ng kisame namin. Sobrang effective, napakahumpy nga lang," pabirong caption ng netizen.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga ginagawa ng mga Tsinoy tuwing Chinese New Year

Naghatid naman ito ng good vibes at napakomento ang mga netizen dito.

"Ang taba ng utak!"

"Disposable alulod sir."

"Nakakuha ako bigla ng idea sir hahaha taba ng utak."

"Dami ko na iniisip dumagdag pa 'yan hahaha."

Ayon pa kay Joel, reusable pa ito dahil kapag natuyo, puwede ulit gamitin bilang panalo sa tagas o tulo mula sa kisame kapag umuulan.