Sa unang pagkakataon, opisyal nang ibinahagi ni Lyca Gairanod ang kaniyang non-showbiz boyfriend sa kaniyang social media.
Matatandaang unang ipinakilala ng 18-anyos na singer at vlogger si Kyle Walle sa kamakailang grand debut party noong Nobyembre.
Basahin: Lyca Gairanod, may pa-jowa reveal sa kamakailang debut party – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Magkahawak kamay pa tumatawid sa isang pedestrian lane ang dalawa sa dalawang IG photos.
“My world ?,” mababasa sa IG post ng The Voice champ ngayong Sabado.
Agad na nag-react ang maraming followers ng Viva artist sa pa-jowa reveal na nito sa wakas.
“The height difference??” sey ng isang fan.
“Wow lyca ikaw na talaga??❤️”
“Waw nemern, ur whole existence!”
“Bett??”
Maliban sa ang naturang binatilyo ay isang non-showbiz personality, miyembro umano ito ng isang grupo ng young talents.
Matatandaang viral ang naging birthday celebration ni Lyca noong Nob. 21.