Sa taas na 37,000 feet, isang mapanganib na tangkang pagbukas sa pinto ng lumilipad na eroplano ang naiulat kamakailan sa Amerika.

Ayon sa ulat ng NBC-Dallas Fort, isang babae, 34, na lulan noon ng Southwest Airlines palabas ng Houston at patungong Columbus ang naging sanhi ng isang emergency landing kamakailan.

Ito’y malapos kasing tangkain ng ginang na buksan ang door exit ng eroplano habang nasa himpapawid.

Matapos tanggihan ng isang flight attendant na sumilip ang naturang suspek sa isang bintana sa kaniyang jumpseat, dito na umano puwersahan nitong tinangkang buksan ang pinto ng eroplano, dagdag ng ulat.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa hiwalay na ulat ng The Houston Cronicle, isa pang pasahero ang nakagat ng nasabing ginang matapos pigilan nga ito sa mapanganib na balak.

Pagsasalaysay ng naturang pasahero sa kaniyang pormal na reklamo,  “Jesus told her to fly to Ohio, and Jesus told her to open the plane door,” saad daw ng suspek.

Agad na inaresto ang ginang nang lumapag ang eroplano sa Bill and Hillary Clinton National Airport sa Little Rock.

Depensa niya, sobra umano siyang naging “anxious” sa gitna ng flight dahilan para hindi umano siya makahinga at magawa ang ‘di pangkaraniwan.

Nahaharap ang ginang sa patong-patong na kaso.