Camp Olivas, San Fernando, Pampanga – Iniulat ng Police Regional Office 3 ang pagbaba ng mahigit 2% sa mga insidente ng krimen sa Central Luzon.
Ito ay sa patuloy na pagpapatupad ng pinahusay na pamamahala sa mga operasyon ng pulisya at ng Kapulisan-Simbahan-Pamayanan (KASIMBAYAN).
Ang KASIMBAYANAN ay naglalayong pag-isahin ang mahahalagang cross section ng komunidad sa pamamagitan ng pagmamahal at katarungan.
Dahil dito, humahantong umano ang kalakhan sa pag-iwas sa mga krimen, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at isang klima ng pagtitiwala at paggalang sa mga mamamayan.
Sinabi ni PRO3 Regional Director PBGEN Cesar Pasiwen na kung ikukumpara noong Oktubre at Nobyembre ng nakaraang taon, nabawasan ang mga krimen sa rehiyon ng 138 kaso o 2.23% ngayong taon lalo na sa walong binabantayang mga krimen kabilang ang murder, homicide, robbery, theft, physical injury, motorcycle carnapping, carnapping at rape.
Sinabi rin ni PBGEN Pasiwen na ang mga naitalang insidente ng walong focus crimes para sa Oktubre at Nobyembre 2021 ay 663 habang 527 krimen ang naitala sa parehong panahon ng taong ito na mas mababa ng 136 kaso o halos 21% na mas mababa.
"As we go hammer and tongs on our campaign against criminality and illegal drugs thru our enhanced managing police operations and KASIMBAYAN, our crime rate for the months of October and November has dropped more than 2% compared to that of last year. Let us continue working together for a safer place to live, work and do business," aniya.