Hindi na nga matutuloy ang sana’y back-to-back concert ng Pinoy rapper na si Andrew sa United Arab Emirates, pagkukumpirma ng prodyuser ng event.

Ang “Bagong Pilipinas Tagalog Rap Festival” ay nakatakda sanang ilunsad sa ADNEC’s exhibition centre sa Abu Dhabi sa Dis. 10 at sa Coca-Cola Arena sa Dubai sa Dis. 11.

“Unfortunately due to unforeseen circumstances the Bagong Pilipinas Tagalog Rap Festival on the 10th and 11th of December in UAE will no longer take place,” mababasa sa update ng LDH Events kamakailan.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Ito na ang ikalawang tangkang paglunsad ng concert na una na ring nakansela noong Oktubre sa parehong dahilan.

Matatandaang sumikat muli si Andrew E kasunod ng matagumpay na kampanya ng tandem ng noo’y Presidential candidate na si Bongbong Marcos Jr. at Vice Presidential aspirant Sara Duterte bago ang May 10 national elections.

Samantala, awtomatiko namang maibabalik ang mga halagang ipinambayad sa tiket sa parehong card na ginamit sa pagbili nito, anang producer.