Nakapagtala ang Department of Health ng 1,234 na bagong kaso ng Covid-19 ngayong Sabado, Disyembre 3.
Ang mga aktibong impeksyon sa buong bansa ay nasa 18,430 na, ipinakita ng Covid-19 tracker ng DOH.
Naitala ng National Capital Region ang pinakamaraming kaso nitong nakalipas na 14 na araw na may 4,616 na impeksyon, sinundan ng Calabarzon na may 1,989, Central Luzon na may 1,028, Western Visayas na may 986, at Central Visayas na may 935.
Ang mga kaso nitong Sabado ay nagdala ng kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa 4,039,978. Sinabi ng DOH na 3,956,847 katao ang naka-recover na sa sakit. Gayunpaman, mayroong 64,701 mga pasyente na namatay dahil sa Covid-19.
Nananatiling low-risk ang hospital bed occupancy ng bansa kung saan 6,793 bed ang occupancy habang 21,401 bed ang bakante.
Analou de Vera