Sisimulan nang ipamahagi ngayong buwan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang₱5.2 bilyong cash aid para sa mga benepisyaryo sa ilalim ng programang Targeted Cash Transfer (TCT).

"This month idi-distribute na 'yung additional P5.2 billion na additional grant for the third tranche," pahayag ni DSWD Undersecretary Edu Punay sa isang radio interview.

Nauna nangisinapubliko ng Department of Budget and Management (DBM) na inilabas na nila ang nasabing halaga para sa one-month requirement ng programa.

Tiniyak ng DSWD na nasa 12.4 milyong benepisyaryo ng TCT ang makatatanggapng₱500 kada buwan sa loob ng anim na buwan alinsunod na rin sa programa.

Makatatanggapdin ng katulad na halaga ang mga pamilyang naapektuhan nang husto ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at produktong petrolyo.

"Kasama po diyan 'yung identified na poorest of the poor — four million 4Ps beneficiaries — at six million na former Unconditional Cash Transfer (UCT) beneficiaries including social pensioners na indigent senior citizens, at 2.4 million na additional beneficiaries na galing sa Listahanan," banggit pa ng opisyal.