Magkakaroon pa ng rollback sa presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng mga eksperto sa industriya ng langis, posibleng ipatupad ang bawas na mula ₱1.90 hanggang ₱2.10 sa presyo ng kada litro ng gasolina, at mula ₱1.70 hanggang ₱2 naman ang itatapyas sa presyo ng bawat litro ng diesel.
Sakaling matuloy, ito na ang ikatlong linggong bawas-presyo sa produktong petrolyo sa bansa.
Magbabawas naman ng mula ₱1.30 hanggang ₱1.60 sa presyo ng bawat litro ng kerosene.
Idinahilan ng mga ito ang paghina ng demand ng China dulot na rin ng pinaigting na Covid-19 restrictions na resulta ng patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit sa lugar.