Nag-leave muna si Presidential Management Staff (PMS) Secretary Zenaida Angping, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Biyernes.

Gayunman, hindi inihayag ni Office the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil kung ilang araw na hindi papasok sa trabaho si Angping.

Inaprubahan aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang vacation leave ni Angping.

“Presidential Management Staff (PMS) Secretary Naida Angping has asked to take some personal time for herself and her family, and the President agreed,” banggit ni Garafil.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Inilabas ng Malacañang ang pahayag sa gitna ng napabalitang pagbibitiw ni Angping sa puwesto.

Idinagdag pa ng Malacañang na wala pang nakuhang pansamantalang kapalit ni Angping.