Binawian ng korona at pagkakataon na maging kinatawan ng bansang Bolivia si Fernanda Pavisic matapos umanong mahuling inookray sa isang Instagram story ang mga kalabang kandidata sa Miss Universe.
Sa ulat ng pageant page na Pageanthology 101 nitong Biyernes, opisyal nang sinesante ng Promociones Gloria, ang national franchisee ng Miss Universe sa Bolivia, si Pavisic.
Dagdag ng ulat, nahuli umanong tinawag ng beauty queen na “old ladies” ang mga delagada ng Paraguay, Brazil, at El Salvador. Tila ipinagpalagay din umano nito na kulelat ang mga bansang Ecuador, Aruba, and Curaçao sa Miss Universe.
Hindi rin nakaligtas maging si Miss Venezuela at Miss Peru na mukha umanong mga “transsexuals,” ani Pavisic.
“She also referred to Miss Argentina as 'Miss Potosí' which was considered an insult to the women of the southern Bolivian city of Potosí,” dagdag ng Pageanthology.
Matapos mag-viral at umani ng kontrobersiya sa kanilang bansa, humingi ng paumanhin ang beauty queen sa kapwa mga kandidata at sa huli’y dinepensahan ang sarili sa paggiit na isang “social experiment” lang ang naturang mga pahayag.
Hindi rin aniya makatarungan ang pagsisante sa kanya habang mariing itinanggi ang mga akusasyon ng publiko.
“The decision to withdraw the crown of Miss Bolivia is absolutely unfair, because I never made racist or discriminatory comments against anyone. It seems to me unheard of that in the arguments he exposes for my impeachment, Gloria Promotions repeats allegations proven false, the same that abounded on social networks along with insults and grievances against me and my family I think, also, that is setting a very negative precedent for the Miss Universe pageant, as the title is taken away from a person for actions [s]he did not commit,” ani Pavisic sa isang pahayag, Biyernes.
“A beauty title is ephemeral and life is more than a crown. These bad times leave good lessons that will help me grow as a person and accomplish all the goals I have,” dagdag niya.
Sa huli, nagpasalamat ang beauty queen sa mga tao at organisasyong nagpahayag ng pagsuporta sa kinahaharap na sitwasyon.
Samantala, wala pang pahayag ang Promociones Gloria kaugnay ng papalit na kinatawan ng bansa sa prestihiyusong pageant sa Enero 2023.