Hawak na ng Magnolia Chicken Timplados Hotshots ang twice-to-beat advantage matapos pabagsakin ang Rain or Shine (ROS), 106-90, sa PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Biyernes ng gabi.

Nasa ikalawang puwesto na ang Hotshots sa taglay na 10-2 record at nasa likuran ng nangungunang guest team na Bay Area Dragons.

Namayani koponan ang import na si Nick Rakocevic sa nakubrang 21 puntos at 13 rebounds, habang ang kakamping si Ian Sangalang ay kumana ng 16 puntos.

Tumulong din sa Magnolia si Paul Lee sa naipong puntos, anim na puntos naman kay Jio Jalalon, bukod pa ang 12 assists at siyam na rebounds.

National

LPA sa labas ng PAR, ganap nang bagyo

Maglalaban naman sa playoff ang ROS at NLEX na kapwa nasa 5-7, panalo at talo, sa Linggo upang madetermina kung sino sa kanila ang makakakuha ng karapatang makalaban ng Dragons.