Sa gitna ng pagdiriwang ng Kapaskuhan, nagbabala ang grupong Ban Toxics laban sa isang patok na educational tool at kadalasa’y laruan ng mga bata na nakitaan ng mataas na antas ng lead at mercury.

Ito ang laman ng ulat ng grupo nitong Huwebes, Nob. 1, kasunod ng talamak umanong pagbenta ng “unnotified and unlabelled lead-tainted laser pointer toys” sa merkado.

Sa katunayan, sa 18 laser na nabili sa kilalang Divisoria, Maynila at sinuri sa SCIAPS X Series HH XRF Analyzer, nadiskubreng ang “paint coatings and button cell batteries” ay may lead content mula 1,500 parts per million (ppm) hanggang 6,156 ppm. Positibo rin ang baterya nito ng mercury na aabot hanggang 108 ppm.

Malaking banta ang lead exposure sa mga bata ayon na mismo sa World Health Organization (WHO).

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“At high levels of exposure, lead attacks the brain and central nervous system, causing coma, convulsions and even death. Children who survive severe lead poisoning may be left with intellectual disability and behavioral disorders,” mababasa sa ulat ng Ban Toxic.

Dagdag ng grupo, makaapekto rin ang mapanganib na kemikal sa development ng utak ng isang bata na maaring magresulta ng mas mababang intelligence quotient (IG), at ilang “behavioral changes.”

“Lead exposure also causes anemia, hypertension, renal impairment, immunotoxicity and toxicity to the reproductive organs. The neurological and behavioral effects of lead are believed to be irreversible,” dagdag ng grupo.

Kabilang naman sa “top ten chemicals of major public health concern” ang mercury na may banta rin sa “nervous, digestive and immune systems, and on lungs, kidneys, skin and eyes.”

Pagtitiyak ng Ban Toxics, patuloy na ikakampanya ng grupo sa mga mamimili ang ibayong pag-iingat sa pagbili ng mga hindi kwalipikadong ligtas na mga laruan.

Muli ring pinaalalahanan ng grupo ang mga manufacturer kaugnay ng wastong labeling requirements sa ilalim ng Republic Act 10620 o “Toy and Game Safety Labeling Law.”

“It is our diligent duty and responsibility to protect the health and safety of the children for their development and their future,” pagtatapos ng grupo.